PNP bumuo na nang investigating body kaugnay sa pagpatay ng dalawang pulis sa isang sundalo sa Zamboanga del Sur

Manila, Philippines- Bumuo na ang PNP region 9 ng investigating body na tututok sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ng isang sundalong galing sa bakbakan sa Marawi City sa brgy. Monte Alegre Aurora Zamboanga del Sur.

Ayon kay Police Chief Inspector Helen Galvez ang tagapagsalita ng PNP region 9, nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng PNP region 9 sa pagkamatay ni Corporal Rodillo Bartolome na miyembro ng 53rd Infantry Battalion ng Phil. Army na kasalukuyang nakatalaga sa Marawi City.

Sa katunayan tumungo na ang ilang tauhan ng PNP region 9 na kabilang sa investigating body sa Aurora Zamboanga del Sur para makatututok sa pag-iimbestiga.


Kinilala ang dalawang pulis na sina PO2 Ronald Zeros at PO1 Michael Bullanday na ngayon ay hindi pa matukoy ng tagapagsalitan ng PNP region 9 kung nasaan na ang dalawang pulis.

Kaugnay nito, ikinalungkot naman ng pamunuan ng PNP ang nangyari sa sundalo, sinabi ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos na nakikiramay sila sa pamilya ng sundalo habang tiniyak na magakakaroon ng patas na imbestigasyon para mapanagot ang mga pulis na may kagagawan nito.

Facebook Comments