
Magsasagawa ng serye ng pagdinig ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod ng panawagan ng ilang transport groups para sa taas-pasahe.
Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II na magsasagawa sila ng dalawang hearings sa susunod na linggo upang talakayin ang mga isyu na napapaloob sa petisyon para sa fare hike.
Naiintindihan niya aniya ang mga hinaing ng mga transport groups matapos na beripikahin at pag-aaralan ng kanilang ahensya ang mga argumento mula sa kanilang mga petisyon.
Dagdag pa niya na ang mga driver at operators ang dehado sa umiiral na fare matrix at may katwiran aniya ang kanilang argumento mula sa mga petisyon na sumasalamin sa reyalidad sa nangyayari sa sektor ng transportasyon.
Ayon sa LTFRB, matapos ang gagawing pagdinig sa susunod na linggo ay magsasagawa pa sila ng weekly hearings kaugnay sa naturang usapin.
Mag-iimbita rin ang LTFRB ng mga eksperto upang magbigay ng insights pagdating sa fare hike petition, partikular na sa aspeto ng epekto nito sa ekonomiya.










