Mas mahaba na ang panahon na makakabiyahe ang ilang public utility vehicles sa labas ng kanilang mga ruta sa panahon ng Semana Santa.
Kasunod ito ng ginawang pag-amyenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa duration o ang haba ng panahon kung kailan may bisa ang mga special permits na-i-issue sa ilang public utility vehicles.
Batay sa inilabas na Board Resolution ng LTFRB, iiral ang special permit para sa 2023 Holy Week mula April 02, 2023 hanggang April 11, 2023 at mula March 31, 2023 hanggang April 17, 2023.
Ginawa ng LTFRB ang pag-amyenda matapos ideklara ng Malacañang, ang April 6 (Maundy Thursday) at April 7 (Good Friday) bilang mga regular holidays.
Dahil naiusod ang paggunita ng Araw ng Kagitingan mula April 9, patungong April 10 dahil naipit ito sa araw ng Linggo.
Dahil sa long holidays at sa pagluluwag na rin sa travel restrictions, inaasahan ng ahensya na dadagsa ang mga uuwi ng probinsya.