Nag-aalok ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng livelihood at skills training program sa mga driver at operator ng public utility vehicle (PUV) at mga miyembro ng kanilang pamilya sa Ilocos Region bilang bahagi ng PUV modernization program.
Sa isang panayam sinabi ni LTFRB communication development officer Harvey Jay Ocon, na ang livelihood assistance program o ang entrepreneurship program ay katuwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) habang ang skills training ay katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Aniya, bukas ang entrepreneurship program sa mga PUV driver at operator na miyembro ng mga kooperatiba at allied workers o sa mga konduktor at mekaniko na apektado ng modernization program.
Idinagdag niya na sa pamamagitan ng livelihood assistance program, ang bawat kwalipikadong indibidwal ay maaaring makakuha ng hanggang PHP30,000 (maximum) na kapital bukod sa pagsasanay sa pagnenegosyo.
Ayon pa sa kanya, maaaring mag propose ang negosyo para mapondohan at i-verify kung applicable ito sa kanilang lugar.
Samantala, ang scholarship mula naman sa TESDA ay bukas sa mga driver, operator, at maging sa kanilang mga kapamilya kung saan maaari silang makapag-avail nito.
Sinabi ni Ocon na ang mga kuwalipikadong driver o operator ay hindi dapat magkaroon ng sinuman sa kanilang mga anak sa ilalim ng child labor, at hindi isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program.

Facebook Comments