LTFRB, may bago ng OIC kasunod ng pagkakatalaga kay Atty. Cheloy Garafil bilang OIC Press Secretary

82

Mayroon nang pansamantalang hepe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), matapos ianunsyo ng Malacañang ang pagkakatalaga kay Atty. Cheloy Garafil bilang officer-in-charge (OIC) at Undersecretary ng Office of the Press Secretary (OPS).

Sa inilabas na special order, itinalaga bilang OIC ng LTFRB si Engineer Riza Marie Paches.

Nakasaad sa kautusan na kabilang sa magiging tungkulin ni Engr. Paches ay ang pag­po-proseso sa mga dokumento patungkol sa operasyon sa naturang tanggapan.


Gayundin, ang pag-aksyon sa mga transaksyon sa ahensiya may kinalaman sa mga orders at issuances.

Facebook Comments