Monday, November 30, 2026

Full alert status, itinaas na ng NCRPO para sa Bonifacio Day

Itinaas na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang alert status nito sa full alert status para sa Bonifacio Day ngayong araw.

Epektibo ang pagtataas ng alerto 12:01 ng madaling araw , kahapon ng Linggo,November 29.

Inaasahang magpapakalat ang NCRPO ng nasa halos 8 libong mga personnel kasama ng mga augmented units mula sa PNP-National Headquarters, Region 3, at Region 4A.

Kaugnay nito, posible naman nang ibaba ng NCRPO ang alert status nito sa heightened alert depende sa kanilang magiging assessment pagkatapos ng naturang aktibidad.

Samantala, wala pa namang natatanggap na rally permits ang pulisya ngunit inaasahan nito na magkakaroon ng pagtitipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila na isa namang freedom park na hindi na kinakailangan ng permit.

Facebook Comments