LTFRB, minalitt ang ikalawang araw ng transport strike ng PISTON

Manila, Philippines – Naniniwala si LTFRB board member Aileen Lizada na hindi na dapat sinuspinde ng MalacaƱang ang pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas.

Aniya, asahan na ngayon ang ikalawang araw ay tiyak na wala ring masyadong epekto ang tigil pasada ng Piston.

Gayunman, nakahanda pa rin sa mga staging point area ng Piston, ang mga government vehicle upang magsakay ng libre sa mga apektadong mananakay.


Ang grupong Piston, ay isa lamang sa mga transport group na tumututol sa public utility vehicle modernization ng gobyerno.

Facebook Comments