MMDA at LTFRB, handa ng i-deploy ang libreng sakay ng bus sa Luneta Grandstand

Manila, Philippines – Nakahanda ang ang mga tauhan ng MMDA at LTFRB na ideploy ang mga bus na nakaantabay lang dito sa Luneta Grandstand Manila.

Ayon kay MMDA operator Sheryl Pahimnayan nakahanda na ang pitong bus kabilang ang private bus at tatlong bus ng DPWH na ipakakalat sa mga lugar na istranded ng mga pasahero.

Paliwanag ni Pahimnayan wala pa silang namonitor o nagrerequest na mga pasahero na naistranded sa area ng Manila.


Minomonitor umano nila ang mga lugar na lubhang naaapektuhan kabilang ang lugar sa Anda Circle, Sta. Mesa, Pedro Gil at Padre Faura Street Ermita Manila.

Kahapon ay dalawang bus lamang ang idineploy sa España papuntang Cubao kung malaki umano ang tulong ng UV Express at libreng sakay na bus.

Facebook Comments