Muling nagpapaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga commuter, drayber at operator na sumunod sa Public Health Safety Protocols sa mga terminal at sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Ito’y sa gitna ng nararanasang pagsipa ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Kabilang dito ang istriktong pagsusuot ng face mask at face shield lalo na sa loob ng pampublikong transportasyon, hindi pakikipag-usap o pagkain habang nasa loob ng sasakyan at pagsunod sa tamang physical distancing.
Pinapayuhan ang mga pasahero na huwag nang lumabas ng bahay kung may nararamdamang mga sintomas ng COVID-19.
Pinaalalahanan din ng LTFRB ang mga drayber at operator sa mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin sa pagbiyahe ng mga Public Utility Vehicles (PUV).