CIDG, tutulong na rin sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino

Inuutusan na rin ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas ang kanilang Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na tumulong sa pagsisiyasat sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.

Sinabi ni Sinas, makakasama ng CIDG sa imbestigasyon ang Police Regional Office 8 at ang PNP Internal Affairs Service.

Pinaninindigan naman ni Sinas na hindi ambush ang nangyari.


Aniya nagkataon lang daw na nakasunod ang mga pulis sa van ng alkalde at hindi sinadya ng mga pulis na buntutan ang sasakyan ng alkalde.

Nagsasagawa raw kasi ng surveillance inspection ang mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at Integrity Monitoring and Enforcement Group sa presensya ng CPP-NPA sa lugar.

Hindi naman makumpirma ni Sinas kung nasa drug watchlist ang nasawing si Mayor Aquino.

Facebook Comments