Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga tsuper at operator ng public utility vehicles na i-double check ang kondisyon ng kanilang sasakyan bago ilabas at ibiyahe sa lansangan sa panahon ng Undas.
Ito ay matapos na tatlong bus mula sa Silver Star, Dimple Star at Elavel bus hindi pinabiyahe ng LTO dahil sa kalbong gulong at depektibong signal light.
Sinabi ni LTFRB Board Member Atty Aileen Lizada-dapat tiyakin na magiging ligtas at konbenyente ang mga pasahero sa biyahe na sumasakay ng mga public utility vehicles.
Dapat siguruhin ng mga tsuper na nasa maayos na kondisyon ang preno, ilaw, baterya, mga gulong at air conditioning units ng sasakyan maging ang tubig langis at gas ay sapat.
Sa ngayon ay nasa 104 na units ang papayagan na mag-out of line para tugunan ang dumadagsang papauwi sa probinsiya.