Misis ni Cogie Domingo, hindi dawit sa drug buy bust operation – PDEA

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi nila isasama ang misis ni Cogie Domingo na si Ria Sacasas sa mga kakasuhan ng ahensiya.

Ayon kay PDEA PIO Chief Derrick Carreon, nagkataon na kasama lamang sa lugar si Sacasas nang magkakaabutan ng shabu ang target ng kanilang operasyon na siAlmira Bautista at ang actor na si Cogie Domingo.

Hindi siya kabahagi sa transaksyon kaya ligtas siya sa anumang isasampang kaso.


Halos dalawa hanggang tatlong linggo nila na inilatagang drug buy bust operation sa source ng droga na si Bautista.
At nagkataon lamang na si Cogie ang katransaksyon nang malambat ang kanilang target sa President Avenue, BF Homes, Paranaque.
Nakuha mula kay Cogie ang maliit na cylinder tube na naglalaman ng shabu at mga drug paraphernalia na may drug residue.

Nakuha naman kay Almira ang isang sachet ng shabu.

Kabilang din sa naaresto ang isa pang kasama ni Cogie na si Francis Lim.

Itinatanggi pa rin ni Cogie na gumagamit siya ng illegal na droga.
Iginiit ng aktor na na-set up lamang siya.

Facebook Comments