LTFRB, nag-alok na rin ng libreng sakay para sa mga bibiyahe patungong Norte

Makikinabang na rin sa libreng sakay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuter na papasok at lalabas ng Metro Manila.

Kasunod na rin ito ng muling pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa window hour kung saan ay maaaring dumaan sa EDSA at humimpil sa mga pribadong terminal ang provincial buses mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga.

Ayon kay LTFRB Executive Director Kristina Cassion, nasa 32 public utility vehicles ang kanilang ipinakalat sa ilalim ng Service Contracting Program.


Maghahatid ang mga ito ng mga pasahero mula sa Integrated Terminals tulad ng North Luzon Express Terminal sa bayan ng Bocaue sa Bulacan at Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX patungong Araneta Center Bus Terminal sa Cubao at pabalik salig na rin sa napagkasunduan ng LTFRB, MMDA at ng mga provincial bus operators.

Nagbigay rin aniya ng special permit ang LTFRB Regional Office 3 para sa mga bus mula Dau patungong North Luzon Express Terminal (NLET) at mula ruon ay maaari na silang makasakay ng libre patungong Araneta Center Bus Terminal o di kaya’y sa PITX.

Facebook Comments