Binigyan na ng ‘green light’ ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga school service sa bansa para sa kanilang pagbabalik operasyon.
Kasunod na rin ito ng nakatakdang pagbubukas ng klase sa August 22 at paghahanda sa full implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.
Ayon sa LTFRB, ang mga school transport service na may hindi pa pasong Certificate of Public Convenience o Provisional Authority at may naka-pending ng Extension of Validity ay papayagan na makapag-operate ngayong paparating na School Year 2022-2023.
Sinabi rin ng ahensya na hindi na sila maniningil ng multa sa mga mag-aapply ng Extension of Validity bilang tulong sa mga ito na isa sa tinamaan ang kabuhayan noong kasagsagan ng pandemya.
Kasabay nito, muling ipinaalala ng LTFRB sa mga school service ang mga kondisyon para sa pagbabalik operasyon kabilang dito ang mga sumusunod;
• May steel-grilled ang mga bintana ng school service
• May seatbelts ang lahat ng pasahero
• May portable fire extinguisher
• May “STOP” at “GO” signage ang mga kondoktor na aagapay sa mga bata
• Nakasuot ng tamang uniporme ang driver at konduktor
• At dapat ay ipinatutupad ang health at safety protocols