Higit 18,000 na examinees, pasado sa 2022 Licensure Examination for Teachers

481

Inilabas na nang Professional Regulation Commission (PRC) at ng Board for Professional Teachers (BPT) ang listahan ng mga nakapasa sa June 2022 Licensure Examination for Teachers (LET).

Ayon sa PRC, nasa 8,667 dito ang pumasa sa pagsusulit para sa Elementary level mula sa 17,149 examinees na katumbas ng 50.55% passing rate; habang nasa 10,193 secondary teachers naman mula sa 20,191 examinees ang ang pumasa na katumbas ng 50.48% passing rate.

Top 1 para sa Elementary Level si Charline Tiquin Juntilla ng Compostella State College – Montevista Branch matapos nitong makuha ang 93.40 ratings sa exam.


Habang si Marvin Cabel Nillas na mula rin sa kaparehong paaralan ang Top 1 sa secondary level matapos makuha ang 94.00 ratings.

Isinagawa ang pagsusulit noong Hunyo 26, 2022 sa 19 testing centers sa buong Pilipinas.

Facebook Comments