Manila, Philippines – Nagbigay ng deadline ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa lahat ng motorista para tanggalin ang lahat ng sagabal sa kanilang paningin habang nagmamaneho.
Sabi ni LTFRB board member at spokesperson Atty. Aileen Lizada, mayroong hanggang Biyernes (May 26) ang lahat ng motorista dahil sa Lunes ay sisimulan na nila ang panghuhuli sa mga ito.
Tinukoy ni Lizada ang rosaryo at iba pang borloloy na nakasabit sa harap ng sasakyan na sagabal sa light of sight ng driver.
Nilinaw din ni Lizada na hindi ito bahagi ng Anti-Distracted Driving Law kundi bahagi ng JAO o Joint Administrative Order ng Land Transportation Office na noon pang 2014 pero hindi naipatutupad.
DZXL558
Facebook Comments