LTFRB, nagbukas ng mga bagong ruta para sa mga modernong sasakyan

Nagbukas na ng panibagong ruta ang Land Transportation Franchising Ang Regulatory Board (LTFRB) sa Lapu-Lapu City, Cebu sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, inisyal na 25 sa kabuuang 100 approved units ng eco-friendly Public Utility Vehicles (PUV) ang bibiyahe na sa ruta ng Lapu-Lapu City Public Market-Babag-Cordova-Marigondon-Crossing Basak-Gun-Ob-Lapu-Lapu City Public Market at Lapu-Lapu City Public Market-Pusok-Mepz-Marigondon-Crossing Basak-Gun-Ob-Lapu-Lapu City Public Market.

Asahan na magiging ligtas, konbenyente , environment-friendly at maaasahan ang mga eco-friendly PUV na lalarga sa mga bagong ruta na pakikinabangan ng libu-libong commuters.


Facebook Comments