Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ngayon ng Land Transportation
Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang nalalapit na Semana Santa.
Sa panayam ng DZXL-558 kay LTFRB Spokesperson Atty. Arlene Lizada,
partikular nilang tututukan ang mga terminal ng bus sa North at South kung
saan dadagsa ang mga pasahero.
Ibinahagi rin ni Lizada ang insidente noong nakaraan nilang inspeksyon kung
saan nakakita ang tauhan ng LTFRB ng mga drug paraphernalia sa loob ng
isang bus malapit sa kinauupuan ng driver.
Giit pa ni Lizada, isa sa kanilang titingnan ay ang mga operators at
drivers ng bawat bus sa mga terminal para masiguradong nasa maayos na
kalagayan ang mga magiging pasahero ng mga ito.
Samantala, nagpaalala rin si Lizada sa mga mamamayan isumbong ang mga
kolorum na mga bus na kanilang makikita sa kanilang himpilan o kaya
mag-post ng picture o video sa kanilang facebook page para mabigyan ito ng
nararapat na aksyon.