Manila, Philippines – Nilinaw ni LTFRB Spokesperson at Board member Atty. Aileen Lizada kung bakit maraming sasakyan sa tapat ng LTO at LTFRB.
Ayon kay Lizada ang mga sasakyang ay na-impound dahil sa iba’t ibang mga paglabag tulad ng kolorum at paglabag sa batas trapiko.
Dahil sa dami ng sasakyang naiimpound ng LTO at LTFRB araw-araw, hindi na kasya ang mga ito sa loob ng kanilang compound kaya ginagamit nang extension ang East Avenue na kung minsan ay lumikha ng pagkasikip ng daloy ng trapiko.
Ipinaliwanag ni Lizada na karamihan sa nakaparada ay mga bus at van na mayroong mga paglabag sa LTFRB.
Kaya dito muna itinatabi ng LTO at LTFRB ang mga sasakyan bago batakin patungong impounding area ng LTFRB sa Tarlac.
DZXL558, Silvestre Labay
Facebook Comments