Manila, Philippines – Nilinaw ng LTFRB na hindi nila inoobliga ang Uber Philippines na magbayad ng multa para alisin ang isang buwan nilang suspensyon.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada, ang pinababayaran nilang 190 milyong piso na multa ay isa sa opsyon ng Uber para maibalik na agad ang kanilang operasyon.
Maaari aniyang hindi bayaran ng uber ang naturang multa pero kailangan na lamang hintayin nila ang pagtatapos ng isang buwan na suspensyon.
Muling iginiit ni Lizada na ang hinihingi nilang multa sa Uber ay ibinatay sa kanilang kinikita kada araw.
Dagdag ni Lizada, mayroon silang nakuhang impormasyon na handang magbayad ang Uber ng kanilang multa sa susunod na linggo.
Facebook Comments