LTFRB, nagpapasaklolo na sa mga LGU sa libreng sakay sa harap ng mga bantang tigil-pasada

Nagpasaklolo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga local government units (LGUs) para mag-alok ng libreng-sakay sa mga apektadong commuters sakaling magpatuloy ang transport groups sa kanilang tigil-pasada.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III ang koordinasyon sa mga LGU ay magsisilbing standard operating procedure (SOP) para sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga commuters.

Bagama’t hindi pinipigilan ng LTFRB ang pakikilahok sa mga transport strike, hinimok ng board ang mga driver at operator na payagan ang mga driver na gustong kumita ng kanilang ikabubuhay sa araw ng protesta.


Hinihikayat ng LTFRB ang mga nakikiisa sa welga na huwag hadlangan ang ibang mga jeepney driver na nais bumiyahe dahil kailangan umano ng mga ito nang ikabubuhay para sa kanilang mga pamilya.

Hiniling din ng LTFRB sa Philippine National Police (PNP) na tiyakin ang kaayusan at pigilan ang mga maaaring gawing pangha-harass sa mga jeepney driver na hindi sasama sa protesta.

Facebook Comments