LTFRB, nakatakdang talakayin ang kahihinatnan ng mga PUV na hindi makapagko-comply sa PUV Modernization Program sa darating na Abril

Nakatakda nang pag-usapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang magiging sitwasyong ng mga Public Utility Vehicle (PUV) na hindi makakatalima sa PUV modernization na ipapatutupad sa darating na Abril.

Batay sa pinakahuling datos ng LTFRB as of January 26, nasa 11 thousand pa lamang na UV express at jeepney units ang nakapagpa-miyembro sa mga kooperatiba sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB board member Riza Marie Paches, nakatakdang pag-usapan ng board sa darating na Lunes ang findings ng technical working group sa scenario na maaaring mangyari pagsapit ng Abril a – primero sa mga PUV na hindi makaka-comply sa PUV modernization


Dagdag pa ng naturang board member na hindi naman pagbabawalang pumasada sa kanilang mga ruta ang mga PUV na bigong sumunod sa modernization program pero may ilang proseso silang dapat pagdaanan.

Samantala, tinitignan pa ng LTFRB ang posibilidad na palawigin pa ang naturang deadline upang ma-accommodate pa ang mga PUVs na hindi pa nakakapagpa-miyembro sa mga kooperatiba.

Facebook Comments