LTFRB, nakikipag-ugnayan na sa DOE at DBM para sa pagproseso ng ayuda sa PUV drivers

Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Department of Energy (DOE) at sa Department of Budget and Management (DBM) para sa pagproseso ng fuel subsidy ng mga driver ng Public Utility Vehicle (PUV).

Ayon kay LTFRB NCR Regional Directror Attorney Zona Tamayo, humingi na sila ng certification sa DOE hinggil sa presyuhan ng krudo.

Aniya, hinihintay na lamang nila ang aksyon ng DBM para maibaba na sa Department of Transportation (DOTr) at sa LTFRB ang pondo para rito.


Sinabi naman ni Tamayo na ang pantawid pasada card na una na nilang naipamahagi sa mga driver at operator ang muling gagamitin para ipasok ang P6,500 subsidiya sa kada unit.

May listahan na rin aniya sila ng mga makakatanggap ng fuel subsidy partikular ang mga may valid na prangkisa.

Nasa 377,000 na mga drayber ng jeep, UV Express, taxis, tricycles at iba pang ride hailing at delivery services sa buong bansa ang kwalipikadong makatanggap ng fuel subsidy.

Facebook Comments