
Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) na isasama ang lahat ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers at motorcycle taxi riders sa listahan ng mga benepisyaryo ng fuel subsidy.
Ayon sa LTFRB, nakikipag-ugnayan sila sa transport network companies para masigurong kumpleto ang listahan ng mga driver at rider na batayan para mabigyan ng P5,000 ayuda sa gitna ng mataas na presyo ng langis.
Ngayong araw, umarangkada ang pamamahagi ng cash assistance para sa delivery riders kung saan 11,838 ang target na mabigyan sa Lungsod ng Maynila.
Kanina pumila ang mga nasa listahan na letter A hanggang L ang last name habang bukas magpapatuloy ang distribusyon para naman sa letter M to Z na target ang 9,289 na benepisyaryo.
Samantala, Inilatag na ng LTFRB ang schedule ng pay-out para sa mga driver ng pampublikong jeep, delivery riders at motorcycle taxi sa Marikina City na idaraos sa magkakaibang lugar.
Sa Taguig City naman, April 8,9 at 10 pa lalarga ang pamamahagi ng ayuda para sa delivery riders at motorcycle taxis.










