LTFRB, nangakong tutulungan ang mga kooperatiba para sa PUVMP

Nangako ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na tutulong sila at susuporta sa mga kooperatiba na nakikiisa sa pagpapatupad ng pamahalaan sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Pieg, buo ang suporta ng ahensya sa mga kooperatiba na sumuporta rin sa programa ng modernisasyon.

Ang nasabing pahayag ng ahensya ay kasunod ng isinagawang National Transport Congress na dinaluhan ng higit 300 transport cooperatives.


Kung saan hinimay ng transport congress ang pinakahuling impormasyon tungkol sa PUVMP maging ang pagrerepaso sa Omnibus Franchising Guidelines ng programa.

Samantala, hangad pa ng LTFRB na tuluyang maisabatas ang PUVMP.

Facebook Comments