MAGSASAKA SA URDANETA CITY, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION

Arestado ang isang trentay nuwebe anyos na magsasaka matapos na magpositibo ang ikinasang buy bust operation laban dito sa Urdaneta City.
Ang suspek ay nakilala sa alyas Jhong na residente din sa nasabing lungsod.
Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado otso ng gabi sa Brgy. Tulong na nagresulta sa pagkumpiska sa suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .45 grams at nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso at Ilan pang mga illegal drugs paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments