LTFRB, nilimitahan sa 500 benepisyaryo kada araw ang pagkakaloob ng ayuda sa mga drayber

Nilimitahan na sa 500 benepisyaryo kada araw ang mabigyan ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito’y upang maiwasan ang sobrang habang pila sa bawat sangay ng Land Bank of the Philippines.

Dahil dito, pinapayuhan ng LTFRB ang mga drayber na agahan ang pagpunta sa pinakamalapit na sangay ng Land Bank o bumalik na lamang sa susunod na araw upang makuha ang tulong pinansiyal.


Habang kumukuha ng ayuda, mangyari lamang na panatilihin ang pagsunod sa social distancing guidelines.

Paalala pa ng LTFRB, para makatiyak na kasali ang kanilang pangalan sa listahan ng mga bibigyan ng cash assistance, mangyari lamang na tingnan ang link na: https://tinyurl.com/SAPforDRIVERS.

Kailangan ding dalhin ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang mga requirements sa pagkuha ng ayuda sa pinakamalapit na sangay ng Land Bank sa kanilang lugar.

Facebook Comments