Mga pasaway na motorista, nagdulot ng matinding trapiko sa Ortigas Avenue Extension, Cainta, Rizal

Nagdulot ng sobrang haba ng trapiko sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension, Cainta, Rizal, mula  sa National Road hanggang Volleygolf, ay umaabot na sa apat na linya ang sinakop ng mga motorista dahil sa maraming pasaway pa rin kahit walang bitbit na quarantine pass ang mga driver ay nagpupumilit na lumulusot at kanya-kanyang mga katwiran ang kanilang sinasabi sa mga nagsasagawa ng checkpoint.

Ilan sa mga katwiran o palusot ng mga motorista ay papunta umano sila sa bangko lahat ay pawang mga private vehicles ang dumadaan sa naturang lugar.

Giit ng mga otoridad na nagsasagawa ng checkpoint na galit na galit sa mga motoristang pasaway kung saan sinabi ng mga ito na paano nila mababawasan ang mga nahahawaan ng COVID-19 kung karamihan sa mg pasaway na motorista ay hindi susunod sa mahigpit na ipinatutupad na lockdown.


Kapansin-pansin na mayroon pang tatlong motorista ang nakipagtalo sa mga otoridad na nagsasagawa ng checkpoint galing ang mga ito sa Taytay, Rizal uuwi ng Cainta, Rizal galing daw uamno sila sa swimming, pero sa pakiusap ay pinalusot din naturang mga motorista pero ang isang pasaway na motorista ay hindi pinalusot at tiniketan din ng mga otoridad na nagpapatupad ng checkpoint.

Facebook Comments