LTFRB: Operators ng taxi, mananagot na kung pasaway ang driver

Manila, Philippines – Sa halip na kanilang mga driver, mismong mga operators na ng mga taxi ang sasalo ng parusa kaugnay ng pagiging pasaway ng mga ito.

Ayon kay LTFRB Board member Aileen Lizada, sa kabila ng Oplan isnabero campaign nila, marami pa rin ang mga driverng Public utiliyy vehicle partikular sa hanay ng taxi ang inirereklmo ng pagiging bastos, nangongontrata, sobra kung maningil ng pasahero at reckles o walang ingat sa pagmamaneho.

Dahil dito, mismong mga operators na ang kanilang parurusahan para maghatid ng mensahe na may tungkulin silang disiplinahin at i screen ng mabuti ang kanilang mga tsuper.


Sa unang paglabag, susupendihin ang lisensya ng operator ng tatlong buwang, sa pangalawang paglabag ay suspensyon ng anim na buwang at sa ikatlong paglabag ay tuluyan nang babawiin ang lisensya.
Mayroon din naman aniya silang drivers academy na may layuning i-professsionalize ang transport industry.
Isasailalim ang mga driver sa lahat ng basic sa batas trapiko at tamang pag trato sa pasahero ituturo muli.

Facebook Comments