Pinawi ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pangamba sa posibilidad na umabot sa P50 ang pagtaas ng pamasahe kasunod ng pagpapatupad ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na “statistics impossible” ang projection na ginawa ng isang commuter group dahil tiniyak niya sa publiko na hinding-hindi mangyayari ang labis na pamasahe.
Ani Guadiz, sa pagbuo ng mga projection ng pagtaas ng pamasahe, kailangang magsagawa ng pag-aaral at iba’t ibang salik ang dapat suriin.
Binigyang-diin ng LTFRB chief na ang mga pagtatasa tulad nito ay dapat na suportahan ng datos upang hindi magdulot ng alarma sa publiko, lalo na sa commuters.
Facebook Comments