Indonesian President Joko Widodo, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

Nakatakdang magsagawa ng kanyang official visit sa Pilipinas si Indonesian President Joko Widodo.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, naka-schedule ang pagdating nito sa January 9 hanggang January 11, 2024

Siya ay iwi-welcome mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ang Pilipinas at Indonesia ay kapwa myembro ng ASEAN na matagal nang partner sa pagpapalakas ng kooperasyon sa politika, ekonomiya at people to people relations.

Nakatakdang magpulong ang dalawang lider sa January 10, 2024 at inaasahang matatalakay ang progreso sa relasyon ng Pilipinas at Indonesia matapos ang state visit ni PBBM sa Indonesia noong September 4 hanggang 6, 2022.

Inaasahang muling pagtitibayin ng dalawang lider ang kanilang commitment para mapalalim pa at mapalawak ang ugnayan.

Ang Pilipinas at Indonesia ay magdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng formal diplomatic relations sa November 2024.

Facebook Comments