Posibleng wala ng libreng sakay na aasahan ang publiko ngayong taon.
Sa isang Pulong Balitaan, sinabi ni Land transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chief Asec. Teofilo Guadiz III.
Para mapagkasya ang katiting na pondo na inilaan ng gobyerno na nagkakahalaga lamang ng higit 1 bilyong piso.
Iniisip ng LTFRB na magbigay na lang ng diskwento sa pampublikong transportasyon kasama na ang jeep at UV express.
Paliwanag ni Guadiz, kung itutuloy pa rin kasi ang libreng sakay sa EDSA Carousel tatagal lamang ito ng 3 hanggang 4 na buwan.
Matatandaan na una nang humiling ng 12 billion pesos ang Department of Transportation sa Department of Budget and Management (DBM) at Kongreso, ngunit hindi ito naaprubahan.
Facebook Comments