LTFRB REGION 1, NAITALA ANG HIGIT 180K NA BILANG NG MGA MANANAKAY SA BUONG REGION 1

Naitala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 ng kabuuang bilang na 180,883 na mga Healthcare Workers (HCW) at Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ang nabigyan ng serbisyo sa loob ng isang Linggo sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 (GROSS) na nagsimula noong ika-13 ng Abril 2022.
Ang Libreng Sakay ay may layuning matulungan ang mga operator at driver na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa Covid-19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Malaki ang pasasalamat ng mga operator na nakalahok sa naturang programa dahil malaking tulong ito sa kanila lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Para naman sa kanilang mga drayber, napakalaking tulong din ito sa kanila dahil nakakapagtabi sila para sa kanilang mga pamilya.
Lubos ang pasasalamat ng DOTr at LTFRB sa malasakit at serbisyo na inihahatid ng mga conductor, driver, at operator para sa mga commuter. | ifmnews
Facebook Comments