LTFRB REGION 1, PAPAYAGAN PANSAMANTALA NGAYONG HOLY WEEK ANG PAGSAKAY AT PAGBABA NG PASAHERO SA MGA RUTANG MADARAANAN

Ipinaliwanag ngayon ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB Region 1 na magkakaroon ng pagkakataon ang mga bumabiyahe na mga provincial buses sa Rehiyon Uno na magpick up ng mga pasahero na nais sumakay dito.
Sa naging panayam kay Engr. Karen Casaña ng LTFRB Region 1 na kabilang ang alituntunin na ito sa ibibigay na special permits sa mga bus companies upang makapagbigay pagkakataon para sa mga kababayan na nais makauwi sa kanilang probinsiya para gunitain ang Holy Week.
Saad pa nito na ito ay magtatagal mula April 8 hanggang April 18, 2022 na maaaring magbaba at magsakay ng pasahero na kanilang madadaanan.

Ipinaiiral umano sa ngayon para sa mga public buses ang point to point para dito bilang pag iingat sa gitna sa pandemya.
Sa ganito umanong hakbang ay maiiwasan ang pagtangkilik ng ilang indibidwal sa mga private car owners o ‘car pool’ na talamak ngayong panahon ng pandemya.
Samantala, patuloy naman umanong imomonitor ng Police Regional Office 1 ang mapagsamantalang mga drayber kung saan mahigpit umano nila itong binabantayan sa mga inilatag na checkpoints. | ifmnews
Facebook Comments