Senador Migz Zubiri, tablado na sa tambalang Lacson-Sotto

75

Kinumpirma ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na tanggal na listahan ng mga senatorial candidate na kanilang ineendorso si re-electionist Senator Juan Miguel Zubiri.

Ito ay matapos tahasang itaas ni zubiri ang kamay ni presidential candidate dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa naging grand rally ng Uniteam sa Bukidnon nitong nakaraang linggo.

Muling binigyang diin ni Lacson na ang kasunduan nila sa kanilang senatoriables na mananatili silang suportado ng Lacson-Sotto tandem basta’t hindi sila hayagang mag-eendorso ng ibang kandidato.


Sa ngayon, kabilang na lang sa senatoriables na siguradong ine-endorso nina Lacson at running mate na si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay sina dating Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, Dra. Minguita Padilla, dating Philippine National Police Chief Guillermo Eleazar, JV Ejercito, Joel Villanueva at dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Gringo Honasan.

Ginawa nila Lacson at Sotto ang pahayag sa isinagawang ambush interview ng mga mamamahayag kasabay ng kanilang pagbisita sa lalawigan ng Romblon.

Facebook Comments