LTFRB REGION 1, TULOY SA PAGSULONG NG MODERNISASYON NG MGA JEEPNEY SA REHIYON

Walang atrasan at pagbabago ang hindi maiiwasan, yan ang binigyan diin ni Land Transportation Franchising & Regulatory Board o LTFRB Region 1 Chief Transport Development Officer Atty. Anabel Marzan Nullar matapos isagawa isang PUVMP Caravan na may panel session kasama ang pakikipag partnership nito sa pribadong solutions company para sa pagsulong ng mga modernized jeepney sa rehiyon.
Patuloy sa pagsulong ang LTFRB sa pagsulong na magkaroon ng mas komportable, mas reliable, at environmental friendly na pampublikong transportasyon sa bansa at ang pakikipag partnership na ito sa mga pribadong kompanya ng mga gawaan ng sasakyan pang transportasyon ang isa sa kanilang malaking hakbang sa pagpapatuloy ng PUV modernization program para sa mga transport cooperatives at corporations.
Isa sa tinalakay sa naturang panel session ang pagkakaroon na umano sana ng mga kooperatiba ng mga sertipikasyon kung saan pinapayagan na ang mga ito na makapag biyahe sa iba’t ibang lugar na kanilang ini-request na nais pasukin at ibyahe.

Sagot naman ng LTFRB ukol jan, hindi naman umano sila nagkulang sa pagpasa ng mga requirements at naipasa naman daw ang mga dapat na ipasa at katulad din ng mga kooperatiba ay hinihintay lamang din nila ang huling desisyon ng Department of Transportation o DOTR para makapag release sila ng mga tinutukoy na sertipikasyon. |ifmnews
Facebook Comments