Inihayag ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) Region 1 na wala pa itong natatanggap na petisyon sa taas pasahe mula sa iba’t-ibang organization ng public transportation.
Ayon kay Engr. Karen Casaña ng LTFRB Region 1, patuloy na pinag-aaralan ng kanilang central office ang ang pagtaas ng minimum na pasahe.
Sa region 1 aniya ay walang natanggap ang kanilang opisina sa petisyon ng taas pasahe sa kabila ng sunod-sunod na price hike ng presyo ng produktong petrolyo.
Bagamat wala pang desisyon sa taas pasahe, naglaan ang DOTR ng ayuda para sa fuel subsidy at naibigay na ng kanilang kagawaran ang mga pangalan ng mga operators na maaring makatanggap ng ayuda.
Samantala, hinikayat ni Casaña ang mga drivers na hindi makakatanggap ng naturang ayuda mula sa kanilang operators na magpadala ng mensahe sa kanilang facebook page at aasikasuhin ito ng kanilang legal officer. | ifmnews
Facebook Comments