LTFRB REGION 2, PINASALAMATAN ANG PISTON CV!

*CAUAYAN CITY* –Sa bihirang pagkakataon, hindi kumprontasyon ang nangyari sa pagitan ng LTFRB at Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators nationwide o PISTON dito sa lalawigan ng Isabela..

Pinasalamatan ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) region 2 ang PISTON Cagayan Valley at mga jeepney driver and operators associations na hindi na itinuloy ang kanilang pakikiisa sa nationwide transport strike matapos siyang makipagpulong sa kanila kaninang umaga.
Sa pahayag ni Regional Director Edward Cabase ng LTFRB region 2, walang nangyaring komprontasyon sa pagitan ng samahan ng mga drivers at operators bangkus ay isang malayang palitan kaalaman at kuru kuru para sa PUV Modernization Program ng pamahalaan ang nangyari.
Tiniyak ni Director Cabase ang kahandaan ng pamunuan ng LTFRB sa tumulong sa paghahanap ng murang presyo ng mga modernong sasakyan.

Sa ngayon ay tinatayang nagkakahalaga sa 1.9 hanggang sa 2.2 milyong piso bawat isang modernong.
Ang kagandahan aniya ng modernisasyon ay mayroon itong klasipikasyon na mula class 1 hanggang class 4.


Ang class 1 ay ang kapalit ng multicab, class 2 ay ang kapalit ng jeep na ang itsura ay parang van subalit ang upuan ay magkakaharap pa rin ang mga pasahero nito.

Habang ang class 3 ay kahalintulad na talaga ng mga van ngayon na nakaharap ang mga upuan nito, at ang class 4 ay mayroon ng luggage compartment.

Tiniyak niya na lahat ng mga ito ay airconditioned, may GPS, CCTV, monitor, television, at iba pa.
Ibinalita pa Director Cabase, magbibigay ang pamahalaan na Php 75,000 na subsidiya sa lahat ng mga miyembro ng kooperatiba.

Bago ang dialogue,Unang nagpahayag si Nelson Escalante, secretary general ng PISTON Cagayan Valley na magsasagawa sila ng caravan at programa sa jeepney terminal sa Santiago City bilang pakikiisa sa transport strike.

Nilinaw niya na hindi sila tutol sa PUV Modernization program kundi ang inaalmahan nila ay ang maraming requirements sa pag-avail ng loan at mataas na presyo ng mga modernong jeep.

Facebook Comments