LTFRB, sinagot ang mga isyu ng mga transport group na kontra sa PUV modernization

Manila, Philippines – Sinagot ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang isyu ng pagbuo ng kooperatiba  na tinutunggali ng grupong ACTO, PISTON at Stop and Go Coalition.

Ayon kay Delgra, kailangan ng mga jeepney operators na mag-consolidate sa isang kooperatiba para solusyunan ang problema cooperatives sa boundaries.

Layunin aniya nito hindi nag-aagawan sa daan ang mga pampasadang sasakyan.


Sa isyu naman ng hindi kaya ang pambili ng bagong sasakyan, magaan na aniya ang ‘5,6,7’ scheme.

Kung saan 5 percent lamang ang hulog sa pautang na mas mababa kung ikukumpara sa ibang loan.

6 percent lamang ang interest at pitong taong babayaran.

Facebook Comments