Magpupulong ngayong hapon ang mga miyembro ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa harap na rin ng ikinakasang 3-day transport strike ng grupong PISTON.
Ayon kay Chairman Teofilo Guadiz III, pag-usapan ng board ang magiging epekto ng transport strike sa transport sector at sa riding public.
Kabilang sa plano ng LTFRB ay ang pakikipag-coordinate sa mga government agencies at sa mga Local Government Units (LGU) upang magbigay ng libreng sakay.
Sa abiso ng PISTON ikinasa nila sa November 20-23 ang transport strike kasabay ng deadline PUV consolidation deadline.
Facebook Comments