LTFRB, umaasang mabibigyan pa rin ng pondo ang libreng sakay program ng pamahalaan

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mabibigyan ng pondo sa 2023 national budget ang libreng sakay program ng pamahalaan.

Ito ay kahit pa hindi naisama sa 2023 National Expenditure Program (NEP) ang 12-billion pesos na pondo para sana sa service contracting program sa susunod na taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni LTFRB Chairman Cheloy Garafil na may mga nakausap na siyang mga mambabatas para igiit na mabigyan ng pondo ang libreng sakay.


Ang service contracting program o libreng sakay partikular na sa EDSA Carousel Bus ay inisyatibo ng Department of Transportation at LTFRB noong hu¬ling bahagi ng 2020 sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act para tulungan ang mga commuters na apek¬tado ng COVID-19 pandemic.

Ang nasabing programa ay ipinagpatuloy ng DOTr noong 2021 at noong Abril hanggang Disyembre 2022.

Facebook Comments