Dalawa, sugatan sa pagbangga ng truck sa kahabaan ng Payatas Road, Quezon City

29

Sugatan ang driver at pahinante ng dump truck matapos itong bumangga sa poste ng kuryente, at tumagilid sa pakurbang bahagi ng Payatas Road kaninang alas-2:00 ng madaling araw.

Dahil sa aksidente, nabasag ang windshield ng nasabing sasakyan at kumalat sa kalsada ang karga nitong buhangin.

Ayon sa driver ng truck, hindi umano kumagat ang preno ng sasakyan habang binabagtas nila ang pababang bahagi ng kalsada, kaya ibinangga na lamang niya ito sa poste para wala nang madamay pang iba.


Giniit din ng driver na mabagal lamang ang pagpapatakbo niya sa truck noong mga oras na ‘yun.

Samantala bahagyang naapektuhan ang daloy ng trapiko sa pinangyarihan ng aksidente dahil naukupahan ng truck at ng kumalat na buhangin ang kalahating bahagi ng kalsada.

Facebook Comments