Magpapatupad na mas istriktong safety at precautionary protocols ang Land Transportation Office (LTO) 12 laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa lahat ng mga opisina nito na magbabalik operasyon na ngayong araw na ito ng Miyerkules.
Ayon kay LTO-12 Director Macario Gonzaga, ang lahat ng 9 na district at extension offices ng ahensya sa rehiyon ay magbubukas upang makapagserbisyo matapos ang halos dalawang buwang pagkagambala bunsod ng Covid-19 crisis.
Sinabi ni Gonzaga na kabilang sa mga serbisyo nila ang processing ng vehicle registration at driver’s licenses pati na ang pagpapatupad ng mga regulasyon sa trapiko.
Nilinaw naman nito na mananatili ang mataas na alerto at ipapatupad pa rin ang mga kinakailangang protocols at precautionary measures upang maiwasan ang posibleng paglaganap ng COVID-19.
aNG LTO-12 ay may district offices sa Koronadal City, Kidapawan City, North Cotabato, Tacurong city sa Sultan Kudarat at Surallah sa South Cotabato.
GOOGLE PIC