LTO, binawian na ng lisensya ang viral na driver na nagmaneho sa passenger seat

Screenshot via DOTr Facebook page

Tinanggalan na ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO), ang lalaking nag-viral matapos ang video na nagmamaneho ito sa passenger seat.

Tuluyan na ring pinagbawalang makakuha pa muli ng driver’s license ang lalaking kinilalang si Luis Miguel “Miko” Lopez.

Sa inilabas na memorandum, Huwebes, sinampahan ng LTO si Lopez ng patong-patong na paglabag gaya ng sa speeding, reckless driving, failure to wear or use a seatbelt, at Unauthorized Motor Vehicle Modification.


Aabot ng P1,000 hanggang P5,000 ang mga parusang ipinataw sa driver.

Hindi rin sumulpot si Lopez sa ahensya sa araw na nakatakda sa subpoena na ipinadala rito.

Nagpaalala naman ang LTO sa mga motorista na maiging sumunod sa mga batas trapiko.

Kumalat sa social media ang video ni Lopez na gumagawa ng mga delikadong stunt habang iminamaneho ang kotse sa passenger seat.

Facebook Comments