LTO chief, itinanggi ang reklamo sa kanya ng Coalition for Good Governance at FELTOP

Tinawag ni Land Transportation Office o LTO Chief Vigor Mendoza na walang katotohanan at desperadong aksyon at maaaring may personal agenda ang reklamo sa kanya ng coalition for good governance at Federated Land Transport Organizations of the Philippines o FELTOP.

Ani Mendoza, may instructions sa kanya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at si Department of Transportation o DOTr Secretary Jaime Bautista na tugunan ang mga system glitch sa lahat ng digital transactions sa ahensya sa pamamagitan ng consolidation at migration sa bagong IT provider na kinontrata ng gobyerno.

Sa pagsusumikap aniya ng kanilang IT experts, 97 percent digitalized ang vehicle transactions sa ilalim ng LTMS habang isandaang porsyento naman sa driver’s license transactions.


Hindi aniya matitinag ang LTO sa mga gawa-gawang alegasyon.

Facebook Comments