DOTr, nagsasagawa na ng hiwalay na imbestigasyon sa akusasyong katiwalian laban sa hepe ng LTO

Ipinag-utos na ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista ang imbestigasyon hinggil sa sinasabing katiwalian laban kay Land Transportation Office (LTO) Chief Asec. Vigor Mendoza.

Partikular ang reklamong inihain ng transportation group na Federated Land Transport Organizations of the Philippines (FELTOP).

May kaugnayan daw ito sa sinasabing katiwalian sa digitalization sa LTO.


Ayon kay Bautista, inatasan na niya si Mendoza na magsumite ng paliwanag at komento sa alegasyon.

Ito ay para sa kanilang kaukulang disposition at rekomendasyon sa pangulo.

Tiniyak naman ng kalihim na kanilang isasapubliko ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments