LTO, hindi sususpindehin ang bagong vehicle inspection system

Nanindigan ang Land Transportation Office (LTO) na mananatiling requirement para sa renewal ng vehicle registration ang motor vehicle inspection.

Ito ay gitna ng nakatakdang pag-iimbestiga ng Senado at umani ng reklamo mula sa publiko.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, ang motor vehicle inspection lamang ang natatanging paraan para malaman kung ang maaaring i-renew ang registration ng isang sasakyan.


Matagal na aniyang pamantayan ang motor vehicle inspections sa bansa.

Dapat aniya magsumbong ang publiko sa kanila sakaling may anumang korapsyon sa pagpapatupad ng motor vehicle inspection.

Posibleng maharap sa suspension o kanselasyon ng lisensya ang sinumang private vehicle inspectors na masasangkot sa katiwalian.

Ang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) ay awtorisadong mangolekta ng inspection fee na nagkakahalaga ng ₱1,800 para sa mga sasakyang may bigat na 4,500 kilograms o mababa pa.

Nasa 900 pesos naman ang re-inspection fee kapag bumagsak sa initial test.

Facebook Comments