Nakatakdang maglabas na ng desisyon ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa kaso ng motoristang tatlong beses nasangkot sa road rage incident.
Ito’y ayon kay LTO-NCR Assistant Regional director Hanzley Lim ay matapos na makapagsumite ng kanyang affidavit ang lalaki.
Gayunman, hindi na binanggit ni Lim kung ano ang depensa ng motorista kung bakit niya nagawa ang pangungumpronta sa tatlong kapwa motorista kung saan ang ilan dito ay pinakitaan pa nya ng patpat.
Sa ngayon ay nananatiling suspendido ang lisensya nito at maging ang kanyang car registration.
Pero lalong uminit ang mata ng publiko sa nabanggit na driver matapos na muling masangkot sa road rage kahit suspendido ang kanyang lisensya at car registration.
Facebook Comments