LTO, mananatilng nakabantay para sa inaasahang pagdagsa ng biyahero pabalik ng Metro Manila simula ngayong araw

Nakaalerto pa rin ang Land Transportation Office (LTO) para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero na babalik ng Metro Manila.

Inaasahan kasi na ngayong araw hanggang bukas ng madaling araw mas dadami pa ang uuwing biyahero mula sa iba’t ibang probinsya.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Assistant Chief Vigor Mendoza II, ipinagutos na niya sa lahat ng regional office ng ahensya ang mahigpit na pagpapatupad ng road safety measures para matiyak ang kaligtasan.


Una na rito, ang pag inspeksyon upang matiyak na maayos ang kondisyon ng mga bus sa mga terminal at ang pagalalay ng pulisya katuwang sa tulong na rin ng mga LGU.

Kasunod nito, pinaalalahanan naman ng ahensya ang mga motorista na maiging nakapagpahinga bago bumiyahe at iwasan ding magmaneho ng nakainom o may hang over.

Facebook Comments