Dagsa ng mga papauwi mula sa Holy Week vacation, inaasahang magsisimula mamayang hapon sa PITX

Inaasahang magsisimula pa mamaya ang dagsa ng mga pasaherong papauwi mula sa Holy Week Vacation.

Ayon sa Pamunuan ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kalimitan ay linggo ng gabi o hapon dumadagsa ang mga ito sa terminal.

Sa datos na naitala ng PITX nasa 1,053,954 ang total foot traffic sa terminal simula March 22 hanggang March 29


Pinakamataas na bilang ang najtala noong March 27 Miyerkules Santo kung saan umabot sa 191,179 ang mga pasaherong dumagsa sa terminal.

Samantala, nanatili namang maayos at mahigpit ang seguridad na pinapairal sa PITX at nakaalalay pa rin ang pwersa ng pulisya maging ang personel ng terminal upang umalalay sa mga biyahero.

Facebook Comments